Walang kwenta and daigdig !
tula ni Jasmine Celsea
Walang kwenta ang daigdig
kung walang kasamang maglakbay
maaya't makahawak kamay...
Titigil ang ilog sa maaliw-iw
na pagdaloy kung walang
Batis na masuyong sasalubong !
Aayaw ang punong
Mamunga kung
Makikinabang ay wala.
Tataggi ang halamang
Mamulaklak kung
wala namang pipitas.
Hindi na huhuni pa
ang ibon kung wala
rin makikinig.
Pati rin ang dagat di
na muling hahalakhak...
Kung wala rin lang ulap
na makiki bahagi sa galak!
walang kwenta ang daigdig kung walang
kasamang maglakbay
Mag kaagapay, Magkaakbay!